Tula Para sa Kanya

Naaalala ko pa ang gabing una tayong nagkausap
Naaalala ko pa ang tahimik at tulog na mga ulap
Hindi ko makakalimutan kung paano ang simula
Ang kwento nating parang aso’t pusa.

Naaalala ko ang mga kwento mo
Kung paano ko iniyakan ang mga ito
Naaalala ko ang una kong naramdaman para sa’yo
Parang isang blankong papel na may napakadaming guhit puso

Hindi ko sukat akalaing mamahalin kita
Ang nararamdaman ko ay hindi masukat na parang karagatan ng mga tala
Mahal, ganoon din ba ang pagmamahal mo?
Kahit na lagi tayong nagtatalo?

Alam ko mahal, ang nararamdaman natin ay hindi puro saya,
Minsan lungkot, inis, tampo
Lungkot, inis, tampo
Pero mahal, sana sa huli pagmamahal pa rin ang nangingibabaw sa puso mo

Hindi ko man nasasabi sayo,
Mahal, masaya ako sa piling mo
Hindi man ikaw ang una kong minahal,
Gusto ko ikaw ang mamahalin ko ng pinakamatagal.

Comments