Paalam



Mahal ito ang huling gabing makakausap kita
Nakatingin sa kawalan binabalikan kung pano ang simula
Mula sa saya, lungkot at mga tawa
Hinahanap kita sa mga tala.

Ikaw ang nagbibigay ngiti sa aking mga labi,
Kailan kaya ako muling ngingiti?
Oo, lilipas ang mga araw at gabi
Ngunit ang sakit at lungkot ay hindi basta mapapawi

Mahal, sana'y ika'y maging masaya sa iyong tatahakin
Mga alaala mo sa nakaraan ay sana iyong dalhin
Ang aking hiling mahal, sana sa pag lisan mo,
Walang alaala ko ang matitira sa isipan mo.

Sa pag lisan mo, wag sana ako'y iyong isipin.
Aasahan mong bagong buhay ay aking hahanapin
Buhay at mundong, walang ikaw, walang tayo
Pasensya na mahal, ayaw ko na sa mundong merong tayo, ayaw ko na sa puso ko.

Comments